by diesel
Kung ang ibang artista ay nabubuhay sa 15 minutes of fame until the next scandal comes along. Si Maricel iba.. kakaiba. Di nag iingay, di paepal. Kahit meron pwedeng sakyan na KONTROBERSIYA, AYAW NIYA. Lulubog lilitaw ang drama niya sa press, pero pag merong pelikula ayos na ayos ang ROI niya. May disapointments man, pero after the disappointment just like a Phoenix as she is, siguradong mag ba bounce back siya. After hindi kumita ng husto as expected ang Mila(2001), patok naman ng husto ang Mano Po(2002). Mahina man ang Filipinas(2003), pumatok naman ang I Will Survive(2004). Kumita ng husto ang A Love Story(Aug 2007), mahina ang Bahay Kubo(Dec 2007) at tumabo din ng husto ang T2(2009).
Na defy din ni Maricel ang kasabihang, OUT OF SIGHT, OUT OF MIND, sa pagmamahal ng madla. Ilang beses na bang napatunayan ni Maricel ito? Laging out of sight si Maricel, nito lang 2008 wala siyang tv projects.. Pero kumita ng husto ang T2. Patunay din ang matiwasay niyang pagbabalik after makipaghiwalay kay Edu.
Ang kakontemporaryo naman ni Maricel, nabubuhay sa articles, sa ingay pero DISAPPOINTING ang resulta ng kanyang mga movies sa Star Cinema. So far, sa Mila pa lang na disappoint ang Star Cinema kay Maricel. Pero ang tema naman nito, depressing. Sa 11 na movies ni Maricel sa Star Cinema, isa pa lang ang di masyadong kinagat ng mga tao. At wala itong ka hype hype.
No comments:
Post a Comment