by diesel
Among the four superstars, pinakakakaiba si Maricel Soriano para sa akin. Although may pagkakapareho siya kina Nora at Vilma, pero IN TOTAL CONTRAST naman siya kay Sharon Cuneta.
Parang pinaghalong Nora at Vilma si Maricel, although ang rise to STARDOM niya was not as PHENOMENAL AS NORA. In this regard, pareho sila ng tinahak ni Vilma. Naging child actress muna bago naging Superstar. Si Vilma nga lang, medyo lumamlam siya nong mag teenager siya pero si Maricel, teenager pa lang siya nung bumulusok naman ang career niya via Underage and there was no stopping her. Hindi nagkaron ng awkward moment kay Maricel tulad ng nangyari kay Vilma na kailangan niyang i reinvent ang sarili niya.. from a teenager to an adult performer.
At tulad ni Vilma, matindi ang staying power ni Maricel. Pareho silang parang mga PHOENIX (pahiram Choleng Larry), na they rise from their ashes (controversies). Lesser stars wont be able to survive kung dadaanan nila ang mga pinagdaanan nina Vilma at Maricel.
Ang pagkakaiba lang sa tingin ko kina Maricel at Vilma din ay.. si Vilma ma PR sa press.. si Maricel.. ILAP.. Nambababara pag aanga anga ang press. Wala siyang pakialam sa mga ito lol! Dito ako humanga ng husto kay Maricel. So far, wala pang nakagawa sa nagawa niyang ito sa kanyang henerasyon at sa mga sumunod na henerasyon.
Tulad ni Nora Aunor, tanging talento ang naging puhunan ni Maricel para maabot ang pangarap abutin ng sino mang artista.. ANG SUPERSTARDOM. Wala siyang ginamit na tao, ginamit na press o kung sino man. I AM WHAT I AM. Love me for what I am. Panoorin niyo ako at bahala kayo kung ayaw niyo. Di ko kayo pipilitin. Parang ito ang nais ipahiwatig ni Maricel non kasi wala siyang pakialam sa mga fans niya. Siguro ang mga fans niya, hindi tumitingin sa personal na buhay ng kanilang IDOLO.. tulad ng ginawa nila kay Nora(?) at Sharon, na halos lahat ng personal nilang buhay gustong malaman ng fans. Kay Maricel naman, kakaiba hehe. Kung meron siyang ayaw sabihin, ayaw talaga. Kung suplada siya sa mga fans niya, nakakapagtataka kung bakit hindi siya inayawan ng mga ito? Hindi siya iniwan kahit na magloka lokahan siya kay Edu, iwanan ang lahat, kalabanin lahat pati pamilya, producers at lahat na. Wala siyang explanations.. buwang siyang umibig eh. Pagkatapos mahiwalay kay Edu, nag comeback at hula ng iba.. WALA NG BABALIKAN ANG ISANG MARICEL SORIANO. Patay na ang career niya. Pero ano ang nangyari? Very successful ang comeback niyang DINAMPOT KA LANG SA PUTIK. Ayos na sana, heto, bigla na naman siyang nabuntis out of wedlock. Kung mahina hina uli siyang artista.. BABAY na sana ang karera niya. Pero bakit sa halip na iwanan, lalo pa siyang minahal ng mga tao? Patunay ang apat na movies niya noong 1994 na naging super hit sa takilya na nagtulak kay Ka Oskee Salazar (RIP) na bigyan nga siya ng sarili niyang titulo.. ANG DIAMOND STAR..
Bakit ba hindi iniwan si Maricel ng kanyang mga tagahanga kahit na ilang beses siyang nadapa at nadisappoint lahat sa kanya?
Ang explanation na nakikita ko lang diyan ay tayong mga fans ni Maricel, di tayo nangingialam sa PERSONAL LIFE ni Maricel. Ang sa atin lang.. KUNG ANO ANG KANYANG HINAHAIN SA ATIN, SA TELEBISYON AT PELIKULA. That sets us apart siguro. Personally kasi, I dont care about Maricel's personal life.. bonus na lang ang mga nalalaman natin. Sabik man at uhaw tayo sa juicy details of her personal existence, pero parang balewala lang ito sa atin. Hindi iyong pini picture siya na isang ganito o ganyan, parang si Sharon, pero ang katotohanan, hindi naman siya ganun. Kasi nga, sa talento ni Maricel tayo na capture.
No comments:
Post a Comment