GLOBAL MARICELIANS - PARA KAY MARYA!
by: Renz
Maipagmamalaki kong ako'y isang Maricelian
Tagahangang nabubuhay sa katotohanan
Sa ating samahan aking nasumpungan
Isang masayang pangalawang tahanan.
Dito marami akong naging kaibigan
Nakatago man ang ating pagkakilanlan
Subalit nagkakaisa at nagtutulungan
Pag isang Maricelian ay nangangailangan.
Akin ng babanggitin, Maricelians sa buong mundo
Ibang klase talaga, itong ating grupo
Simulan ko na sa akin, Renzzo kung ako'y tawagin
Ng Reyna ng Saudi na sa 'ki'y papansin!
Tubong Zamboanga, ang malambing na si Nussty
Si Larry ng Cavite, me gandang pang Binibini
Atin ding pagpugayan, Diyosa ng Australyang si Ana
Isali si Patricia, ang nympha ng Alemanya.
Buo pa ang pagkababae ni Miss Lett ng Taiwan
Sina Ron at Knielle mga guro sa Thailand
Si Chie ng Qatar, Laarney at Angie sa Dubai
Pag nagsama sama, puno ng kulay ang buhay.
Umaapela si Janice, the pretty miss of Venice
Di rin dapat ma miss, Yedda Marie na makinis
Kung yaman ang hanap, pasok from NY si Ka Willy
Isama rin natin sina Tina, Fussy, Dennis of LA.
Sa Pex ko nakilala, Lorna Marie ng California
Hanga ako sa kanya, siya'y mag aabogada
Atin ding ipasok ang fighter na si Melchora,
Clarissa ng Amerika, at Hummer ng Canada.
Naglaho si Ms. Eva Kulaw, ang Mila ng Ermita
Nagpalit ng pagkatao, naging Clifford na siya
Asan na si Brent, ang ex-lover in Larry
Na mi miss ko na rin sina Tiny, HBK at MJ.
Ilista pa natin, iba pa nating kapatiran
Na pag di ko maisali baka ako'y biglang tarayan
Si Mark ng Laguna, isang gurong kapitag pitagan
Si Prof Jojo until death, si Marya'y handang ipaglaban!
Atin ding isa isahin ang mga tunay na barako
Dahil mga pangalan nila, nagtatapos sa O
Hari ng Gateway Mall, itong si Drew Kalbo
Prinsipe ng Aramco, itong si igang Molato.
Halika ka na't sumali, kaibigang Carlo
Sa di nakakaalam, si Chickyboy siya dito
Itong si 5eleven, may dugong English at Tsino
Halika ka din at sumali ka sa grupo ng mga macho.
Kung labanan naman ng English wala akong masabi
Daphne ng UK at sa sobrang galing na Montogawe
Monang Carvajal, Maricelian4life at damntrish
Dudugo ang tainga mo, pag sila na'y mag English.
Wag sanang magtampo si Jhoemmar ng USA
Kung ang pangalan mo'y nakalagay sa medyo huli
Isasama kita sa Presidente nating si Marie
at sa isa ko pang paboritong si Mami Tomodachi.
Pagpasok ng Reyna, pakibuka ng bulaklak
Reynang kahali halina ang hatid na halimuyak
Kilala siya ng lahat, ganda niya'y walang kapara
Luciam124, anong sinabi sa 'yo ni Cleopatra.
May resident doctor din itong ating tahanan
Identity31 ang kanyang pangalan
Kung nurses ang hanap, tayoý di makukulangan
Mike Angelo, Jhayabakla, Trisha at London Fan.
Gusto ko ring pagpugayan, dalawang kong kaibigan
Sa pakikipagbaka, akin silang kasabayan
Loyalista ng Canada, Reynolds, nurse sa Florida
Pina ban ng mga chichis, dahil talunan sila.
Gusto ding ipasama, nitong si Ate Ana
Si Mike ng Sydney na nagbigay discount sa kanya
O kay sarap, o kay saya saya, di ba Elka?
Global Maricelians, sadyang nagkakaisa.
Akalain mo ba naman, Miss Maricel Soriano
Me Junior Maricelians din na nahuhumaling sa iyo
Me lalaking six-footer pangalan nya'y Manou
Ibang klase din ang galing ng batang si Nuchamo.
Kung CIA itong si JNN, di pahuhuli si ML ng FBI
Merong Kikay_gurl at Kikaypal din itong ating hanay
Sa Florida napadpad ang magandang si Kikaypal
In fighting the chichis, Kikay_gurl is my pal.
Hayan na't umaapela, Arabingbing na si Nussty
Dapat daw si Jon Ganda Ruiz, ang hiranging Miss USA
O siya, o siya, wala namang talagang kokontra
Siguradong agree din sina Ricomambo at Miss_wah.
Atin ding dalawin ang lupain ng mga Hapon
Kung saan nakatira, si Kuchiwarang magayon
Makakalimutan ba natin, ang seksing si Hampy
Pag siya ang tumira, siguradong ika'y mawiwili.
Pagdating sa artworks, palakpakan si romanticmocha
si Bien25, gawa niya'y pagkaganda ganda
Kung kabanalan ang hanap, kay Bro Sojourner lumapit
Mga message ni BJ, tulong sa pag akyat sa Langit.
Pero kung yosi at beer, ang iyong hilig forever
Ipapakilala ka namin kay lovely wonderchaser
Isama ko na rin si Armand, Brainy Brian at Afril
At ang pasulpot sulpot lang na sina Noel at Samuel.
Balikan uli natin ang mainit na disyerto ng Saudi
Kung saan nagtatrabaho sina Marlboro at Rolly
Isang maligayang pagbati din kay Heartbeat ng UAE
Kalagayan niyo sana diyan, lagi lang sa mabuti.
Inako na ni Mico, ang taray queen na titulo
Dahil sa ngayon, si Maricel daw talagang nag mellow
Walang kasing saya, si Prof Jessie ng Bataan
Nang si Maricel dumalaw para siyaý suportahan.
Pasensiya na po sa lahat, sa mga nagrereklamo
Kung di ko agad nasasama mga pangalan niyo
Sa dami ba kasi natin, o kayhirap talagang humabi
Ng mga talatang malutong pag binigkas ng labi.
Katulad ng isa pa nating nurse na nagngangalang Ana
Nasa Lebanon na pala nakakita ng grasya.
Ito ding si Rowie, sa Iraq nakipagsapalaran
Hindi niya inalintana anumang kapahamakan.
Matagal ng avid fan si ab, Librarian ng UP Diliman
Mahinahon ngunit palaban din naman itong si Johan
Si taga-opis ng La Salle, laging may bitbit na balita
Tungkol kay Marron na sa La Salle lagi niyang nakikita.
Gusto ko ring maalala niyo ang ating Nay Badazzzzz
Kapiling na siya ngayon ng Panginoon don sa Itaas
Kaysarap balikan, panahong siya'y sa ating kapiling
sa Yes Magazine voting, winner tayo sa ending.
Naalala ko ding bigla, ang energetic na si Alodia
Siya ang puno't dulo ng ating pagkakaisa
Sana'y mabasa niya ito o sa kanya'ý may magsabi
Maging active na sana siya, katulad ng dati.
Kayo ding Maricelians na matagal di nagpapakita
Teroy, Moviedik, Naggirl, Kreeme tagal niyong nawala
Kami'y maghihintay, hinding hindi magsasawa
Pag kayo'y magsibalik, Maricelians matutuwa.
Akala ko nabanggit ko na ang kumpletong listahan
Hindi ko sukat akalaing dami ko pang nakalimutan
Kaya madadagdagan ng marami pang talata
Itong aking pinaghihirapang, isang munting tula.
Island of Singapore, ating liparin lang sandali
Para maisama si Lawrence sa 'ting kandili
Nakahanap naman ng swerte sa land of milk and honey
Sina C'dreamin , Lukaret pati si Tita Dairy
Sigurado akong sa akin din siya ay magagalit
Isang malapit na kaibigang pangalan niya ay Pirate
Pagpasensiyahan mo na kung agad kita nabanggit
Kasama sina Arbee, Brugest, Amalia, Marvs33 at Ophet.
May tatalo pa ba sa ginawa ni Dave_blanch ng Cebu
Lumipad ng Maynila, mapanood lang movie ng idolo
Ito namang si Ultimatum, picture ni Maricel ang nakadisplay
Sa kanyang office, para trabaho niya'y maging swabe.
Ikutin ang mundo, ang drama ng seamang si Giggs
Tubong Bulacan si Gregg, mahilig sa Lechon si Piggs
Palaban si Octagon, Dancing Queen daw si Vina
At itong si Lestat, Iloilo ang palangga nga banwa.
Itong aking tula, iniaalay din namin kay Marya
Upang kaming mga kaibigan, kanya ding maalala
Kami'ý nagmamahal, tunay ang aming pag ibig
Na hindi mapantayan, anong yaman man ng daigdig.
Ang amin ding dalangin, nawa'y lagi kang gabayan
Ilayo sa panganib, o ano mang kapahamakan
Lagi mo sanang tandaang hinding hindi ka nag iisa
Laging karamay mo kami, sa hirap at ginhawa.
Maraming salamat uli sa mga nasiyahan
Sa mga kaibigang, pangalan nilaý sa listahan
Gustong magpahabol, isang seaman from Laguna
Nasa Dubai siya ngayon, Syokoy siya at di sirena.
Kung gusto mo ng update galing sa Star Cinema
Maaasahan si Reck, ngunit nasaan na ba siya?
Silent water runs deep, nahan ka na rin ba?
Halina na kayong lahat, tuloy dito ang ligaya.
Si siDarnaAko, bakit si Super Inday ang paborito?
At si Rico ng Dubai, isang magaling na arkitekto
Kahit Maricelian si Raci, humahanga din kay Angelika
Kasama si Chole, at teamshine na dating Irene Cara.
Marami na ring mga pagbabago itong ating mundo
Lumindol man o bumagyo, solid Maricelians pa rin tayo
Deter Ramos, Tiger X, Bratty, Thespis at Elmo
Forever Friends ni Maricel, mga tunay at totoo.
No comments:
Post a Comment